YNA MORTEL
PINAG-AARALAN na ang posibleng pagtatayo ng Chinese desk sa bansa.
Ayon kay PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa, bumuo na ng technical working group para sa pinaplanong Chinese desk.
Kabilang sa tinatalakay ay ang mga gagawin at intensyon sa itatayong Chinese desk.
Habang wala pa ang Chinese desk, tiniyak ng PNP ang komunikasyon sa China sa pamamagitan sa embahada nito.
Dagdag pa ng opisyal na ilang PNP personnel din na naimbitahan para pag-aralan ang lengguwahe, kultura at sindikato sa China.