HANNAH JANE SANCHO
PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may-ari ng ABS-CBN na ibenta na lamang ang kanilang kumpanya.
Ito ang naging payo ng pangulo sa ABS-CBN, ilang buwan bago mapaso ang kanilang prangkisa.
Sa talumpati ng pangulo sa harap ng mga biktima ng lindol sa M’lang Cotabato, sinabi nito na kung siya ang may-ari ng ABS-CBN ay ibebenta na lamang niya ito.
Aniya, ngayon lang makakaganti ang mga Pilipino sa kalokohan ng nasabing network.
Nagbabala pa ang presidente na sisiguraduhin niyang maalala ng nasabing network ang episode na ito habambuhay.
Marso 30, 2020, nakatakdang ma-expire ang prangkisa ng nasabing network kung saan sakaling hindi ma-renew ng Kongreso ay ititigil ang broadcast operations nito.