Ni: Jonnalyn Cortez
IBINUNYAG ng direktor na si Paul Soriano na ang sikreto sa kanilang apat na taong pagsasama ng kanyang asawang si Toni Gonzaga ay ang kanilang tatlong-taong-gulang na anak na si Severiano Elliott o mas kilala bilang Baby Seve.
Si Seve nga raw ang nagsisilbing glue sa kanilang matibay na pagsasama at pinananatili nilang “close.”
“He has brought all families closer. He’s really the center of the Gonzaga-Soriano family. It’s no joke,” paliwanag ni Soriano sa PEP.ph.
Katulad ng ibang relasyon, kailangang pagtrabahuhang maigi ni Soriano at Gonzaga ang kanilang pagsasama katulad ng kanilang pagsusumikap na maging mabuting ama at ina sa kanilang anak.
Salamat kay Seve, nagagawa nitong padaliin ang lahat para sa kanila. “It’s definitely made it better, stronger, and we really listen to each other more now,” dagdag pa niya.
Ngayong isa na silang pamilya, alam ni Soriano na may maapektuhan na kapag nagkaroon sila ng away mag-asawa. Kaya’t mas nagiging maingat sila sa kanilang mga desisyon. Bukod sa kanilang mga sarili, kailangan din nilang isa-alangalang ang kinabukasan ng kanilang anak at pamilya.
“The responsibility is much bigger, so we’re a little bit more careful, calculated, but at the same time, more driven, much more inspired because we want to be able to provide and give our children the best education we can give them,” pagtatapos ni Soriano.