JHOMEL SANTOS
NAKUMPLETO na ng Department of Public Works and Highways ang Php 150.9M farm support project sa South Cotabato na magbibigay tulong sa mga Agribusiness sa bayan ng Lake Sebu.
Sinabi ni Engineer Khalil Sultan, Chief of the South Cotabato 2nd District Engineering office, na kabilang sa proyekto ang 3 daan at 2 tulay na pinondohan ng Department of Agrarian Reform’s (DAR) Mindanao Sustainable Agrarian and Agriculture Development Program (MINSAAD).
May lawak namang 13.09 km ang naturang farm-to-market roads at may habang 30 meters ang mga tulay.
Ang farm support project na ito ay makakatulong sa mga mangingisda ng Barangay Ned para mapabilis ang pagdedeliver ng kanilang mga huli.
Disyembre taong 2019 nang nakumpleto ang naturang proyekto at naibigay sa mga residente ng Sebu.
Sa nakalipas na tatlong taon, 12 sa 27 proyektong aprubado sa ng MINSAAD ang natatapos na ng DPWH-12.