Ni: Jonnalyn Cortez
Makakalahok sa kauna-unahang pagkakataon si Stanley Pringle sa PBA finals matapos ang limang taon mula nang makapasok ito sa liga. Susubukan sungkitin ng kaniyang koponan na Barangay Ginebra ang 2019 Governor’s Cup laban sa Meralco.
Nagsimula ang game 1 ng best-of-7 finals sa Araneta Coliseum sa Martes, Enero 7.
“It’s really big, my first finals appearance,” wila ni Pringle. “But I’ve played on big stages before, so I’ll give everything I have. My teammates know that.”
Mahalaga para kay Pringle ang naturang PBA series, lalo na sa kanyang karera, kaya’t ganoon na lang ang pokus na ibinibigay niya rito. Pahayag ng manlalaro, ayaw niyang makaramdam ng pressure sa kaniyang unang laban sa finals.
“I thank my teammates and the coaching staff, but I’m not really thinking too much of it. I’m just gonna play hard and leave it all on the floor, try to get a championship,” paliwanag nito. “I expect everybody to be healthy and ready to go. It should be a real exciting finals.”
Wala pang isang season ng maging parte ng Barangay Ginebra si Pringle, ngunit mabilis siyang napabilang sa koponan at hindi nakaramdam ng pagiging baguhan. Lumipat siya sa Gin Kings sa gitna ng Commissioner’s Cup at matapos ang isang conference, tampok na siya sa unang finals ng kanyan karera.