CHERRY LIGHT
KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tuloy na ang total deployment ban sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng Pinay household worker na si Jeanelyn Villavende.
Ito ay matapos aprubahan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board ang naging rekomendasyon ni Labor Sec. Silvestre Bello III na implementasyon ng total deployment ban sa nasabing bansa.
Ayon sa DOLE, hinihintay nalang nila ang pagpapalabas ng mismong kopya ng resolusyon ng government board ng POEA para sa total deployment ban.
Batay sa autopsy result na inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bangkay ni Villavende ay lumabas na minaltrato ito ng kanyang amo at ginahasa pa habang nawawala rin ang iba nitong internal organs.