HANNAH JANE SANCHO
NANAWAGAN sa pamahalaan si ACT-CIS Rep. Eric Yap na dapat mabigyan agad ng trabaho ang mga uuwing mga OFWs mula sa Iran at Iraq bunsod na rin ng naka-ambang total deployment ban.
Ayon kay Yap, dapat ngayon pa lamang ay naghahanap na ng trabaho ang Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) at POEA para sa mga mare-repatriate na mga OFW.
Sang-ayon si Yap na dapat unahin ang kaligtasan ng mga OFW sa mga naggigiriang bansa pero dapat ding isaalang-alang ang kinabukasan ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng alternatibong hanapbuhay.
Sa kabila nito, batid ni Yap na ginagawa na ng paraan ni DOLE Sec. Silvetre Bello ang ‘unemployment vacuum” sakaling matuloy na bumalik sa bansa ang libu-libong OFW na galing sa Iran, Iraq at Kuwait.