TROY GOMEZ
PUMIRMA na ng trade deal ang US at China kamakailan ng nakaraang linggo na inaasahang makakatulong upang palawigin ang epekto ng trade war sa global economy.
Nakasaad sa kasunduan na mas tataasan ng China ang US imports nito ng nasa USD$200-B habang babawasan naman ng US ang mga ipinataw nito na bagong taripa sa ilang Chinese goods.
Inaasahang masusundan pa ng phase two agreement ang naunang kasunduan kung saan maaaring mas mabawasan o tuluyang matanggal ang ipinataw na taripa ng Amerika sa bilyong-bilyong dolyar na halaga ng Chinese goods.
Inaasahan rin na isa itong magandang simula upang mabawasan ang trade tensions sa pagitan ng US at China.