JHOMEL SANTOS
BUMABA sa P7.71 trilyon ang utang ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Nobyembre 2019.
Ayon sa Bureau of Treasury, nasa P196.43 bilyon o 2.5 percent ang pagbaba kumpara sa nakaraang buwan dahil sa net redemptions ng domestic government securities.
Sa kabuuan, nasa 33.6 percent ang utang ng gobiyerno sa labas ng bansa habang 66.4 percent naman ang utang panloob.
Sa kabila nito, tumaaas ng P417.14 bilyon, o 5.7 percent ang national government debt mula sa pagtatapos ng 2018.
Habang tumaas naman ng P514.63 bilyon ang hiniram na pera ng pamahalaan o 7.2 percent kung year-over-year ang batayan.