MJ MONDEJAR
DUMATING na sa bansa ang nasa 1.5 milyong face mask bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaan sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health katuwang ang Department of Trade and Industry batay sa pahayag ni Health Undersecretary Eric Domingo, patuloy ang paghahanda ng bansa sa nagpapatuloy na banta ng covid-19.
Ipamamahagi ang nasabing face mask sa lahat ng DOH hospitals at iba pang pasilidad na nagkakanlong ng mga pasyente na inoobserbahan dahil sa simtomas ng covid-19.
Ani Domingo, sa ngayon, sapat pa ang suplay ng face mask sa bansa kasabay ng pakiusap sa publiko na gamitin ang face mask na naayon sa sitwasyon gaya ng may sakit at dinaramdam na simtomas ng covid-19.
Ligtas pa kasi sa ngayon ang bansa sa nasabing vorus kayat mainam na para muna sa maysakit ang paggamit ng face mask. Buwan-buwan inaasahan ang pagdating ng suplay ng mga face mask sa bansa mula sa tukoy nitong supplier mula sa ibang bansa.