MARGOT GONZALES
NAIS ni Senador Bong Go na magkaroon na ng infectious disease isolation o quarantine rooms sa lahat ng government hospitals sa bansa.
Sinabi ni Go, chairman ng senate committee o health, na sa pamamagitan nito ay magiging madali na sa pamahalaan na kumilos upang mapigil ang pagkalat ng anomang infectious disease katulad ng 2019 novel coronavirus.
Sa kasalukuyan, kasi ay nahirapan ang Department of Health at ibang ahensya sa paghahanap ng isolation areas para sa 2019-nCoV dahil may ilang quarantine areas lang ang bansa sa mga ganitong uri ng sakit.
Dahil dito, sinabi ng senador na isusulong niya ang pagtatakda ng standard protocols sa paghawak ng kaso para maiwasan ang pagpapanik ng publiko gaya ng nangyari sa 2019 nCoV.