EL Nido, isa sa 50 Awesome Solo Travel Destinations ayon sa HuffPost. Photo from Fabio Achilli/Flick
Ni Jonnalyn Cortez
NAIS mo bang mamasyal mag-isa ngunit hindi alam kung saan pupunta? Kung gayon, itong lungsod sa Palawan ang para sa’yo. Pinangalanan ng tanyag na American website na HuffPost ang El Nido bilang isa sa “50 Awesome Solo Travel Destinations to Visit in 2020.”
Nirekomenda ng mga travel bloggers ang naturang lungsod na Magandang puntahan at safe maging para mga gustong mamasyal nang mag-isa. Number 24 ang El Nido sa listahan.
“One of the most powerful ways to explore a new place is to take a solo trip. From the freedom and flexibility to the stress relief and boost in self-reliance, there are endless benefits to solo travel. And there are many exciting places to make it happen,” wika ni Caroline Bologna sa HuffPost.
Sa naturang website, sinasabing ang Pilipinas — partikular na ang El Nido — ay magandang puntahan ng mga gustong mamasyal nang mag-isa ngayong 2020. Tiyak na malilibang ang turista kahit pa walang kasama dahil sa magandang karagatan dito kung saan maraming water sports and maaaring paglibangan. May mga boutique hotel at design-led hostel na ayon sa anumang budget. Maaari ka rin makakakilala ng ibang solo travelers dito.
Ang sikat na boat tours sa El Nido ay ang tamang lugar din upang ma-experience ng mga turista ang kultura ng bansa kasama ang iba pang mga grupo.
Bukod sa pagiging Awesome Solo Travel Destination sa listahan ng HuffPost. Dati ring tinawag ng Huffington Post ang El Nido na isa sa mga dahilan kung bakit kailangang bisitahin ng mga dayuhan ang bansa.
Pinangalanan din ng Lonely Planet ang Pilipinas na isa sa pinakamagandang lugar sa Asya para sa mga solo female travelers.
Kasama rin sa 50 Awesome Solo Travel Destinations ang ilang bansa sa Asya tulad ng Malaysia (No. 3), South Korea (6), Taipei (12), Tajikistan (17) at Thailand (32). Nangunguna naman sa lahat ang Canada.