HANNAH JANE SANCHO
MATAPOS ang paghihintay ay nai-turnover na sa Jose Maria College, College of Law ang Championship trophy nito sa 5th Teehankee Justicia Moot Court Competition na ginanap nitong nakaraang taon.
Sa isang seremonya na ginanap kamakailan ay naiturn-over na mula sa Teehankee Center for the Rule of Law ang Championship trophy para sa 5th Teehankee Justicia Moot Court Competition on International Law sa Jose Maria College of Law—na siyang champion sa ginanap na kompetisyon nakaraang taon.
Na nasabing okasyon din, ang mga JMC College of Law students na sina Lovella Fe Tacder na tinanghal na Best Speaker at Gretchen Canyedo na tinanghal na Best Oralist sa nasabing kompetisyon, kasama na sina Eunice Ambrocio at Kaye Laurente na pawang researchers ng team sa nasabing kompetisyon at Atty. Resci Rizada na tumayong coach ng team.
Ang nasabing pagtitipon ay personal din na dinaluhan ni Atty. Joseph Migrino, ang direktor ng Teehankee Center for the Rule of Law, at Ms. Aylene Dela Cruz, kasama na ang ilang opisyal ng JMC sa pangunguna ni Dr. Jose Maria Gonzalez na siyang presidente ng JMC, Atty. Israelito Torreon, Dean College of Law, Dr. Joamrk Libre, Vice President for External Affairs, at marami pang iba.
Masaya namang tinanggap nina Tacder at Canyedo kasama ang buong JMC College of Law officials at Moot Court Society Debate Team ng paaralan ang tropeyo mula kay Atty. Mirgrino.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat nina Atty. Torreon, at ng buong Jose Maria College of Law sa founding president ng paaralan na si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy sa walang sawang suporta nito sa kanilang mga kompetisyon at adhikain.