NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
KUNG kayo ay nasa mahirap na situwasyon at nakita niyo na mabuti ang situwasyon ng iba, huwag mainggit. Sabihin sa sarili, “Ito ang Kalooban ng Ama, narito ako, kaya dapat na masaya ako.”
Anuman ang sitwasyon ninyo ngayon, iyan ang Kalooban ng Ama. Saanman kayo ilalagay ng Ama, dapat masaya kayo doon.
Kapag may mga taong pinagpala, magsaya na kasama nila, iyan din ang Kalooban ng Ama. Huwag sumama ang loob, huwag magalit. Dito sa Kaharian, walang pagdidiskontento, walang sama ng loob, walang inggit, walang paninibugho. Ang pagpapala at kasiyahan ng iba ay dapat na kasiyahan at pagpapala nating lahat.
Kapag ang isa ay pinagpala nang higit pa sa inyo, magsaya na kasama niya. Huwag mainggit. Huwag ninyong sabihin, “Nanatili ako rito sa Kaharian ng mahabang panahon, piyonero pa ako rito, ngunit wala akong sariling bahay, wala akong sariling sasakyan.”
Tingnan itong nanatili sa Kaharian ng matagal at dumating sa Kaharian ang bago na siyang pinagpala ng Ama. Hindi nakaramdam ng anumang inggit ang matagal ng mamamayan sa Kaharian sa bagkus siya ay lubos na nasisiyahan sa anumang binigay na pagpapala ng Ama sa kanya. Lingid sa kanyang kaalaman, ang Ama ay may mas malaking bagay pa na ibibigay sa kanya. Hindi kagaya ng bago ang pagpapala ng Ama para sa kanya dahil mayroon Siyang ibang bagay na inihanda para sa kanya.
Kaya anumang bagay na itinalaga ng Ama sa inyo, iyan ay sa inyo. Iyan ay isang karangalan. Sa akin, ang aking buong buhay, saanman ako italaga ng Ama, kontento na ako. Ang mahalaga ay ako’y nakakain, may damit akong masusuot, nakakatulog ako – ‘yan ay okay sa akin. Kaya dinala Niya ako sa Bundok ng Kitbog mula sa kumportableng situwasyon kasama ng mga Amerikano, Kanya akong pinadala sa bundok. Walang sibilisasyon doon ngunit alam ko ang mga tao doon ay tumatagal. Kaya sinabi ko sa sarili, kung nabubuhay sila doon, mabubuhay din ako.
Kung sakali walang taong naninirahan doon ngunit mga ahas at daga ang maaaring mamuhay doon, kaya ko rin. Kung nabubuhay sila kahit sa patago-tago, mas lalo na ako. Saanman kayo ilalagay ng Ama, iyan ang Kalooban Niya. Kailangan lang natin na mabuhay, iyan ay sapat na.
Ngayon pinagpala tayo ng Ama nang masagana, ano ang gagawin natin sa mga pagpapalang ito? Gagamitin natin ito upang palawakin ang gawain ng Kaharian sa buong sanlibutan upang marami pang mga kaluluwa ang papasok sa Kaharian. Kaya, tayong mga mamamayan ng Kaharian ay sinasanay na hindi maging materyalista. Sa tuwing tayo ay pinagpala, ang ating puso ay mananatiling pareho.
Dito sa Kaharian, ang mga hindi nakapag-aral ay yaong mga masuwayin ngunit ang nakapag-aral o may mabuting pag-uugali dito ay yaong mga napakamasunurin. Dito sa Kaharian, kapag kayo ay masunurin, lahat ng respeto ibibigay ko sa inyo. Ganyan ako tumingin at susukat ng tao, hindi sa pamantayan ng sekular na mundo. Dito sa Kaharian, huwag ninyong gamitin ang sistemang sekular.
(ITUTULOY)