NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
SA mga Salita ng Dakilang Ama, na isinalaysay sa Juan 15:13, “Walang may lalong dakilang pagibig kaysa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan.”
Una sa lahat, ibinigay ko ang aking buhay para sa aking mga kaibigan. Sino ang aking mga kaibigan? Ang mga apostoles at mga propeta na nakasulat sa Tipan, ang kanilang mga salita na aking ipinangaral. Ibinigay ko ang aking buhay. Sa pamamagitan ng pangangaral ng 1 Taga-Corinto 6:9, marami ang lumalaban sa akin. Hindi ako nauunawaan ng LGBTQ community, at naging kaaway ko sila.
Ngunit tinutukoy ko lamang ang kanilang baklang lider ngunit dahil sila ay iisa –lahat sila ginawa nila akong kaaway. Ito’y dahil miyembro sila sa pederasyon na iyan. Kung hindi ko sila inibig, itatago ko ang katotohanan mula sa kanila kagaya ng ginawa ng kanilang baklang lider sa Apalit. Kaniyang tinago at binaluktot ang katotohanan. Sinabi niya na ang tao ay hindi mababago kung siya ay natural na isinilang na ganyan. Kung hindi ko ibubunyag ang paglilinlang na ‘yan, patuloy nila akong aatakehin ng kanilang mga salita.
Iyan ang nangyayari sa akin ngayon, dinudumihan nila ang aking pangalan. Ano ang sinabi ng mga taong dukha? “Naawa kami kay Pastor, gumagawa siya ng mga bagay na mabuti ngunit patuloy siyang inuusig, kaya kami ay sasanib sa kanyang ministry.” Kagaya ng sinabi ng NPA sa rehimeng Marcos, “Ang pinakamalaki naming recruiter ay si Marcos” (dahil sa pang-abuso ng mga sundalo). Ano ang sinabi ni Marcos sa kanila, “Kayo ang pinakamalaki kong recruiter dahil kami ay lumalaki.” Kaya, sino ang pinakamalaki nating recruiter at soul winner? Ang mga basher. Habang tumitindi ang kanilang pam-babash, mas dadami ang mga taong nagpapabautismo. Napakatalino talaga ng Ama.
ANG MABUTING SAMARITANO AY NAGPAPATULOY SA ATIN
Sa Lucas 15:11-32, May dalawang magkapatid na lalaki, isa sa kanila ay nagtamo ng bahagi ng kayamanan mula sa kanyang ama at lumayo. At tinamasa niya ang lahat ng kanyang pera ngunit hindi nagtagal siya ay naging dukha at nagdesisyon na bumalik sa bahay ng kanyang ama. Inamin niya sa kanyang sarili na siya ay walang silbing anak dahil kanyang nilustay ang pera ng kanyang ama ngunit handa siyang tanggapin kahit na maging alipin lamang siya sa kanilang bahay kaysa mabuhay sa isang kulungan ng baboy.
Sa hindi inaasahan, nang makita ng ama ang prodigong anak, sa halip na magalit sa kanya, siya ay napakasaya. Kanyang sinabi, “Ito ang aking anak na nawala, ngayon ay natagpuan na.” Siya ay nagpahanda ng isang piging, pinatay ang pinatabang guya, dinamitan muli ang anak kagaya ng isang hari at sila ay nagpiyesta at nagdiriwang sa pagbalik ng kanyang anak.
Isinalaysay sa Lucas 15: 4-10
4 Aling tao sa inyo, na kung mayroong isang daang tupa, at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu’t siyam sa ilang, at hahanapin ang nawala, hanggang sa ito’y kaniyang masumpungan?
5 At pagka nasumpungan niya, ay pinapasan niya sa kaniyang balikat, na natutuwa.
6 At paguwi niya sa tahanan, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na sasabihin sa kanila, Makipagtuwa kayo sa akin, sapagka’t nasumpungan ko ang aking tupang nawala.
7 Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa siyam na pu’t siyam na taong matutuwid na di nangangailangang magsisi.
8 O aling babae na may sampung putol na pilak, na kung mawalan siya ng isang putol, ay hindi baga magpapaningas ng isang ilawan, at wawalisan ang bahay, at masipag na hahanapin hanggang sa ito’y masumpungan niya?
9 At pagka nasumpungan niya, ay titipunin niya ang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi, Makipagtuwa kayo sa akin, sapagka’t nasumpungan ko ang isang putol na nawala sa akin.
10 Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.
Ang mga anghel ay natutuwa sa langit sa isang makasalanang nagsisisi; daan-daang libong mga anghel. Kaya anuman ang ginawa nila laban sa Kaharian, gagawin itong mga pagpapala ng Ama.
(ITUTULOY)