NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
KAYA ipinagkatiwala Niya sa akin ang Kanyang Pangalan at ang Kanyang mga Salita dahil sumunod ako at pinapatalima ko ang mga tao rito.
Sinabi rito sa Mateo 5:19, “Kaya’t ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa’t ang sinomang gumanap at ituro, ito’y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.”
Marami silang mga bersikulo ngunit hindi nila tinutukoy ‘yan. Sino ang nagtuturo niyan? Ako. Kaya huwag magtataka kung ako ay binigyan ng karangalan, ginawang banal at naging Hinirang na Anak. At kayo? Sinabi Niya sa talata na iyan, sinomang sumuway sa kaliitliitang mga utos, mga kautusan na iyon, lahat ng nasusulat sa Bagong Tipan, kabilang ang libro ni Pablo, na siyang itinalaga na maging apostoles ng mga Hentil.
Kapag sinuway ninyo ang 1 Taga-Corinto 6:9, Taga-Roma 1:27 at kay Tito 3:9, ano ang mangyayari sa inyo? Sila ang mga kaliitliitan sa Kaharian ng Panginoon. Hindi ko sila makikita. Sila ay nasa labas, nasa hangganan. Hindi nila ‘yan tinukoy. Kapag pinangaral ko ‘yan, ano ang sinasabi nila? “Narito na naman ang mga taong madaling mapaniwala.” Paano ang Bansang Kaharian at iyong mga nakikinig sa akin na nasa labas ng Kaharian naniniwala niyan?
Hindi nila tinukoy na kailangan nating sumunod sa Kanyang mga Salita. Sila ay tinupok sa Mateo 7:21-26. Hindi nila ‘yan matukoy. At diyan pupunta sa inyo ang kapangyarihan ni Jesus Christ, na tunay na inyong inibig ang Panginoon kung inyong sinunod ang Kanyang sinabi.
Sinabi Niya sa Juan 14:23-24
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya’y iibigin ng aking Ama, at kami’y pasasa kaniya, at siya’y gagawin naming aming tahanan.
Hindi nila ‘yan binanggit sa kanilang talakayan. Palaging ito ay pambobola, pambobola lamang. “Jesus, kayo ang aking Tagapagligtas.” “Jesus, kayo ay namatay sa krus.” “Jesus, kayo lamang ang siyang nag-iisa.” “Jesus, kayo lamang ang tanging nag-iisang Anak.” “Jesus, kayo ay darating bilang Hari.” “Jesus, Jesus, Jesus, inibig ko kayo.” Ngunit hinding-hindi binabanggit ang Kanyang mga Salita. Na dapat ang Kanyang mga Salita ay sinusunod. Hindi nila ito binanggit.
Kung talagang mahal ninyo si Jesus Christ, babanggitin ninyo ang Kanyang mga Salita at pagkatapos ito ay inyong sundin at ituro sa iba na sundin ang mga ito. Ang Kanyang Espiritu at Kanyang mga Salita ay iisa, ang Espiritu ay dumating mula sa Ama. Ang Salita at ang Anak na siyang nagkatawang-tao ay iisa. Kaya Siya ay nananahan sa akin ngayon. Sila ngayon ay umaangal sa ganyan. Sinabi na ‘yan ni Jesus Christ. “Ako ay mananahan sa kanya, iibigin ko siya.” Ngayon, ang Ama ay nasa loob ko.
Kaya kung nais niyong lumapit sa Ama, lumapit muna kayo sa akin. Kung mangyari man na kayo ang unang tumupad niyan, kung gayon ako ang lalapit sa inyo. Paniniwalaan ko kayo. Ngayon, ayaw ninyong lumapit sa akin, saan kayo pupunta? Dahil Siya ay nasa akin, Siya ay nananahan sa akin at ginawa na Niya akong Kanyang Anak.
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
Kaya ‘yan ang matutunan ninyo kapag inibig ninyo Siya o hindi. Kailangan ninyong matuto na sumunod. Wala ng ibang pamamaraan. Anomang pambobola na ibigay ninyo kay Jesus Christ. Kanyang sinabi, “Ang mga labi ng mga taong ito ay malapit sa akin, ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin.”
Marcos 7:6-8
6 At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito’y ginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin.”
7 Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
8 Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali’t-saling sabi ng mga tao.
Kanilang sinabi, “Jesus, kayo lang ang natatanging Tagapagligtas. Kayo ang aking Tagapagligtas.” “Jesus, kayo ang aming darating na Hari.” “Jesus, ipapamalas Niyo ang inyong sarili sa alapaap ng kadakilaan sa ikalawang pagdating.” “Jesus, kayo lamang ang siyang iisang namatay sa krus. Kayo lamang ang nag-iisang Tagapagligtas.” Sila ay malapit ang bibig, ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin.
Kapag ako ay mangangaral ng pagsusunod, ano ang kanilang binabato pabalik sa akin? Na nilinlang ko ang napakaraming tao. Sinabi ko, marami ang mababaliw sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama.
Lumalaban sila kapag ipinangaral ko ‘yan. Sasabihin nila na ako ay kulto, ako ay masama. Ako ay masama sa kanila. Ang lahat ng mga talatang ‘yan ay galing kay Jesus.
At tayo ay naniniwala sa Kanyang mga Salita at naniniwala tayo na dapat natin itong sundin at naniniwala tayo na ating ituro sa iba na sumunod din.
Kaya Kanyang ipinagkatiwala sa akin ang Kanyang mga Salita dahil hindi ko tatakpan ang katotohanan at hindi ko babaluktutin ang Kanyang sinasabi.
ANG KAHABAGAN NG AMA PARA SA NAWALA AT NANGANGAILANGAN
Kagaya ng isang pastol na siyang nag-alaga ng kaniyang kawan, ang pag-ibig ng Dakilang Ama ay naroroon sa dukha at nangangailangan. Ganito rin ang Ama na siyang nagnanais sa atin na iunat ang ating kahabagan sa mga taong walang maitutulong sa sarili.
Isinasaad dito sa Mateo 20:28, “Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.”
Kaya mayroon tayong Jose Maria College. Nagbibigay tayo ng full scholarship upang tulungan ang mga nangangailangan at hindi lamang ‘yan, tinutulungan natin ang buong mundo habang tayo ay pinagpapala ng Ama. Binabanggit ba ng mga bashers ang kabutihang ating ginagawa? Hindi. Ngunit kanilang tinatapon sa atin ang mga bagay na hindi natin ginawa. Upang maging patas, pagkatapos ninyo akong i-bash, sabihin niyo rin ang kabutihan patungkol sa akin. Kaya halatang-halata na sila ay sa demonyo. Mahahalata ‘yan ng mga tao, kaya ngayon sila ay lumapit ngayon sa Kaharian.
(ITUTULOY)