TJ BUMANLAG
IBINABA na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa normal na lebel o alert level 0 ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon sa Phivolcs, inilagay sa normal status ang Bulusan matapos ang nakitang pagbaba sa monitoring parameters ang bulkan.
Mula sa alert level 1 ay ibinaba na ito sa alert level 0, pero nagpaalala pa rin ang Phivolcs na maaari pa ring itaas ang naturang alerto sakaling may makitang “renewed increase” sa mga binabantayang parametro.
Pinayuhan din ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (pdz), partikular na sa mga vents dahil sa panganib na hatid ng posibleng steam-driven o phreatic eruption, rock fall at landslide.