CRESILYN CATARONG
MANININGIL na ng toll ang CALAX o Cavite Laguna expressway simula Pebrero a-10.
Sa abiso ng Metro Pacific Tollway, magkakahalaga ang bayad sa toll para sa mga class 1 vehicles ng 47 pesos, 97 pesos para class 2 at 143 naman sa class 3.
Ang naturang halaga ay base sa inaprubahan ng toll regulatory board na ipatutupad na provicional toll fee sa CALAX.
Tintayang umaabot sa 6,000 mga sasakyan ang dumaraan sa CALAX kada araw simula nang unang magoperate noong Oktubre a-30.
Ang CALAX ay ang alternatibong daan patungo sa at galing sa Binan at Sta. Rosa, Laguna at mula at patungong Tagaytay at Silang, Cavite.