YNA MORTEL
TINAPOS na ng Charlotte Hornets ang kanilang tila pangungulelat sa NBA matapos mawakasan ang kanilang 5-game losing streak.
Ito ay matapos ang kanilang matagumpay na pagkapanalo sa naging match nila Detroit Pistons.
Nagtapos ang tunggalian ng team sa score na 87-76 pabor sa Hornets.
Nanguna naman para sa panalo ng Charlotte si Miles Bridges na may 18 points habang nagdagdag si Malik Monk ng 16 points.
Ito naman na ang ikasampung sunod na pagkatalo ng Pistons sa Charlotte simula noong Oktubre ng 2017.
Sa ngayon mayroong record standing na 13 win – 36 loss na ang Hornets.