ELTON John
TJ BUMANLAG
HINDI na tinapos ni Elton John ang kaniyang concert sa Auckland, New Zealand dahil sa sakit nito.
Sa kaniyang concert, inanunsyo ng 72-anyos na singer na hindi na niya tatapusin ang concert dahil sa sakit nitong walking pneumonia na isang seryosong lung infections.
Pinilit niyang kumanta subalit dahil sa kaniyang sakit ay hindi na ito nakakanta at nawalan din ng boses.
Kaagad namang nag-post sa kaniyang social media account ang singer para humingi ng paumanhin sa kaniyang mga fans.
Pinasalamatan din niya ang mga ito dahil sa ipinakitang suporta sa kaniyang concert.
Taong 2017 nang ibunyag nito na nagpapagaling siya sa delikadong infection na kaniyang nakuha mula sa South America Tour kung saan nanatili pa ito ng dalawang araw sa intensive care unit.