Jimrey Biosa
AABOT sa halos 400 milyong piso ang ilalaan ng Department of Agriculture (DA) para sa probinsya ng Bohol ngayong taon, ito ang magandang balita na ibinahgi ni Sec. William Dar sa mga Boholanos nang ito ay dumalo bilang panauhing pandangal sa pagbubukas ng Ubi festival kamakailan sa naturang probinsya.
Ayon kay Sec. Dar, dahil anya ito sa maayos na pakikipag ugnayan ng LGU sa ahensya tulad ng pagbibigay ng mga project proposals at adhikain ng ahensya na maipaabot ang tulong mula sa gobyerno.
Ilan sa mga proyektong ito ay pormal na ibinahagi sa pamamagitan ng pagpirma sa memorandum of agreement mula sa DA at ibat ibang mga lokal na pamahalaan ng Bohol , Bohol State University at mayroon ding proyektong idadaan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng BFAR, PCA, Landbank , PCC at iba pa.
Ang pagpapatayo ng pasilidad para sa Soils and Water Laboratory & Extension Services sa bayan ng Carmen, Bohol na nagkakahalaga ng 20 milyong piso. E-GPP o entreprenuerial gulayan sa paaralan, treewardship project, sewing machine for hand weaving, mayroon ding para sa fisheries sector, irrigation, water impounding project at marami pang iba.
Ipinagpasalamat naman ito ni acting Gov. Rene Relampagos ang malaking pondo na ibibigay ng kagawaran sa probinsya ng Bohol dahil makakatulong ito sa mga kabuhayon ng mga Bol-anon.
Samantala nagkakahalaga ng P250 milyon naman para sa agricultural project sa Negros Oriental ang ilalaan ng DA
Ang nasabing proyekto ay para magpalakas ng anti-insurgency campaign at mabawasan ang epekto ng Rice Tariffication Law sa lugar.
Ilalaan ang nasabing halaga sa mga tree planting program para sa mga magsasaka at aquaculture naman para sa mga mangingisda.
Ikinatuwa naman ng mga magsasaka at fisherfolk organization sa probinsya ang proyekto.
Sinabi rin ni Dar na magkakaroon din ng P5 bilyong pondo na gagamitin sa modernisasyon at farm mechanization ng lokal na magsasaka para mapalakas nito ang kakayahan na makipagsabayan sa international market.