FILIPINO-American NBA player na si Jordan Clarkson
JAMES LUIS
PINANGUNAHAN ng Filipino-American NBA player na si Jordan Clarkson ang panalo ng kanyang koponan na Utah Jazz laban sa Houston Rockets sa nagpapatuloy na NBA regular season game.
Pumuntos ng 30 points si Clarkson para sa panalo ng Jazz kabilang na ang nagawa nitong puntos sa third quarter ng kanilang laro na dahilan ng pagbaba ng kalamangan ng rockets sa iskor na 83-81.
Nag-ambag din sina Donavon Mitchell ng 24 points at Mike Conley Jr. ng 20 points para sa panalo ng koponan.
Bigo naman ang 39 points ni Russell Westbrook at triple-double na 28 points, 10 rebounds, at 10 assist ni James Harden para manalo sa kanilang laban.