MJ MONDEJAR
ISINUSULONG muli ni House Minority Leader at Manila 6th District Rep. Benny Abante ang pagkakaroon ng sariling national hospital para sa mga senior citizens sa banta narin ng maraming epidemya na kumakalat ngayon kabilang na ang 2019 Novel Corona Virus.
Ayon kay Abante, napapanahon na para magkaroon ng isang national health center para sa mga nakatatanda dahil sa kailangan ngayon ng mga seniors ng madaming espesyalista na mangangalaga sa kanilang sektor sa gitna narin ng banta ng nCoV.
Aniya, sa ngayon (Pebrero 6) ay nasa 566 na ang bilang ng mga namamatay sanhi ng nCoV outbreak sa China habang nasa 80 % ng fatalities ay nasa edad 60 (anim napu).
Dahil dito, ay nanawagan si Abante sa mga kapwa niya kongresista na suportahan ang kanyang inihaing House Bill 3939 na layong i-convert ang National Center for Geriatric Health (NCGH) sa National Geriatric Health and Research Institute (NCGHRI) para sa mga seniors.
Sa kasalukuyan, ang NCGH ay outpatient department sa ilalim ng Jose Reyes Memorial Center at sa ngayon ay hindi parin operational dahil sa kawalan ng batas para payagan sa kanilang operasyon.