ITINANGGI ng kampo ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang bagong alegasyon ng human trafficking na ipinupukol laban sa tatlong leader ng The Kingdom of Jesus Christ na naka-base sa Estados Unidos.
Sa pamamagitan ng legal counsel at spokesperson nito na si Atty. Israelito Torreon, naninindigan si Pastor Apollo C. Quiboloy na inosente ito at ang Kingdom of Jesus Christ laban sa mga alegasyon na ibinabato sa kanila ngayon, kasabay ang paggiit na kasali ito sa isang grand conspiracy upang pabagsakin ang butihing Pastor at ang buong kongregasyon nito.
Atty. Israelito Torreon, Spokesperson, Legal Counsel ni Pastor Apollo C. Quiboloy
“The filing of the criminal complaint against KOJC’s three administrators in the United States is part of the “grand conspiracy of lies” concocted by men/women who were once part of KJC but struck an alliance with forces jealous of the meteoric rise of Pastor ACQ and KJC. The witnesses who volunteered information to the FBI committed various misdemeanors against KOJC, they have chosen to break ranks and invent cases against Pastor ACQ and KJC as a whole,” pahayag ni Atty. Torreon.
Paliwanag pa ni Torreon na kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa mga counterpart na abogado ng kongregasyon sa Amerika at inihahanda na rin nila ang kanilang depensa upang patunayan na pawang alegasyon lamang at walang katotohanan ang ipinupukol na mga kaso laban kay Pastor Apollo, at sa the Kingdom of Jesus Christ.
“We will show to the world that Pastor Quiboloy is innocent against these insinuations. Pastor Apollo sends his message to the Kingdom of Jesus Christ not to be saddened because we are ready to prove him innocent. We already filed our counter-affidavit on these allegations. The Kingdom remains strong and will be stronger than ever with these challenges,” dagdag ni Atty. Torreon.