HANNAH JANE SANCHO
NAALARMA na si Pangulong Rodrigo Duterte sa epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa outbreak ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease o nCoV -ARD.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na gumagawa na ng paraan ang administrasyon para matugunan ang naturang problema.
Una nang sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia na aabot sa isandaan tatlumpu’t tatlong bilyon ang mawawala sa ekonomiya kung tatagal ang krisis sa coronavirus ng hanggang Disyembre.
Ayon kay Panelo, hindi lamang ang pilipinas ang apektado sa coronavirus kundi maging ang buong mundo.
Dagdag pa ni Panelo na ang lubhang pinakaapektado ng 2019 nCoV ay ang sektor ng turismo dahil malaking bilang ng foreign tourist ay mula sa china kung saan nanggaling ang virus.