YNA MORTEL
TARGET na gaganapin ang naunsyaming 10th ASEAN PARA Games sa buwan ng Mayo.
Ayon kay Michael Barredo, presidente ng Philippine Paralympic Committee (PPC), Mayo a-30 ang tinatarget na opening at sa June 5 naman ang magiging closing.
Nilinaw din nito na kahit may target date na magdedepende pa rin ito sa magiging status ng COVID-19.
Sinabi rin ni Barredo na bubuo muna sila ng isang collective decision mula sa organizing committee, Department of Health (DOH) at Philippine Sports Commission (PSC) bago gumawa ang (APSF) ASEAN PARA Sport Federation ng pinal na skedyul.
I-aanunsiyo rin aniya nila ang pinal na desisyon sa katapusan ng Marso.