MARGOT GONZALES
DAHIL sa banta ng coronavirus disease o covid-19, sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na tumaas ang bilang ng mga tumatangkilik sa mga organikong gamot o herbal.
Ayon sa kalihim, ang mga produkto na tulad ng virgin coconut oil at moringga ang dalawang pangunahing mabili ngayon na herbal products sa merkado.
Magugunita, na pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan katuwang ang National University of Singapore ang virgin coconut oil sa posibleng kakayahan nito sa paglaban sa covid-19.
Aniya, hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ay maraming health benefits ang nakukuha mula rito.