Ni: HANNAH JANE SANCHO
ITINANGGI ni Health Secretary Francisco Duque ang alegasyon
na pagpapalit ng head ng Health Research Facility sa bansa na
nangunguna sa testing para sa Coronavirus Disease 2019
(COVID-19).
Ito ay matapos magviral sa social media nitong weekend ang
appointment paper ni Health Assistant Secretary Nestor Santiago
na pinapalitan si Dr. Celia Carlos bilang head ng Research
Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ang umano’y kautusan ay kasunod ng pagtanggi ni Carlos na
iprayoridad ang mga politiko na sumailalim sa testing.
Paliwanag ni Duque, nananatili pa ring director ng RITM si Dr.
Carlos at mayroon lamang pagkakamali sa lumabas na
Department of Health (DOH) issued personnel memo.
Aniya, nagkamali lamang ang kanyang executive assistant at
tanging kanyang inutos ay bigyan ng oversight powers si
Santiago para makatulong kay Director Carlos sa pagpapalawig
ng testing capacity ng bansa.
Hanggang noong Sabado, mayroon ng 5 subnational laboratories
na nagpoproseso ng COVID-19 testing: ang RITM, Baguio General
Hospital and Medical Center, Vicente Sotto Memorial Medical
Center sa Cebu, at ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City.