Ni: MARGOT GONZALES
DALAWANG baybayin sa Boracay ang napabilang muli sa “Top 25 Best Beaches” sa Asya.
Ito ay batay sa Tripadvisor na isa sa pinakamalaking travel site sa kabila ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Base sa Tripadvisor, nasa ika-walong puwesto ang White Beach sa may pinakamagandang baybayin na nasa ika-siyam noong nakaraang taon.
Habang ang Yapak Beach o kilala rin na Puka Shell Beach sa Barangay Yapak ay nasa ika-20 puwesto na nasa ika-dalawampu’t lima naman noong nakaraang taon.
Ang Radhanagar Beach sa Havelock Island, Andaman, at ang Nicobar Islands sa India, ang pinangalanan bilang 2020 Asia’s Best Beach. Sinundan ito ng Agonda Beach na matatagpuan din sa India.
Napag-alaman na noong 2019, nakuha ng Boracay ang second spot sa kabila ng anim na buwang rehabilitasyon.
Nakapasok din sa listahan ang Nacpan Beach sa El Nido, Palawan.