NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
KAPAG nagbibigay tayo sa ating kapwa na nangangailangan, dapat wala itong inaasahang kapalit. Nalalaman natin na kapag tayo ay nagbibigay sa dukha, tayo’y nagpapahiram sa Dakilang Ama.
Proverbs 19:17 Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.
Sinumang mabuti sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at Kanyang gagantimpalahan sila ng kanilang mga ginawa.
Kaya pinagpala ng Ama ang Bansang Kaharian dahil sa ating mapagbigay sa dukha.
Ano ang iniambag ng mga basher? Ano ang kanilang naiambag sa mga dukha? Lahat ng kanilang pang-insulto, pang-alimura – ito ay babalik sa kanila nang doble.
Kaya ang Bansang Kaharian ay pinagpala nang lubos ng Ama. Ang taong naawa at tumulong sa mga dukha ay nagpapautang sa Ama at ang kanyang mabuting gawa ay mababayaran. Iyan ang naging dahilan na walang tigil ang mga pagpapala ng Ama dito sa Kaharian para sa mga dukha.
Pagkatapos ang mga bashers ay naiinggit sa lahat ng ating mga pagpapala. Kaya mayroon tayong Ministry to the Poor. Kaya mayroon tayong bagong programa, “Problema mo, Stop! Sumbong mo, kay Pastor Quiboloy!”
1 Juan 4: 20-21
20 Kung sinasabi ng sinoman, Ako’y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka’t ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakikita?
21 At ang utos mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid.
Lucas 6:27-37.
27 Datapuwa’t sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo.
28 Pagpalain ninyo ang sa inyo’y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo’y lumalait.
29 Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; at ang sa iyo’y magalis ng iyong balabal, huwang mong itanggi pati ng iyong tunika.
30 Bigyan mo ang bawa’t sa iyo’y humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong hinging muli.
31 At kung ano ang ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.
32 At kung kayo’y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? Sapagka’t ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila.
33 At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? Sapagka’t ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.
34 At kung kayo’y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? Ang mga makasalanan man ay nangagpahiram nangagpahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din.
35 Datapuwa’t ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo’y magiging ganti, at kayo’y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka’t siya’y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.
36 Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.
37 At huwag kayong mangasihatol, sa hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo’y palalayain.
Purihin ang Ama. Iyan ang mga salita ni Jesus Christ.
Kanila lamang Siyang binobola, ngunit hindi nila sinunod ang mga salita na siyang inatas ni Jesus Christ na ating sundin.
Mga Taga-Roma 12:17-21.
17 Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.
18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
19 Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka’t nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
20 Kaya’t kung ang iyong kaaway ay magutom, pakainin mo; kung siya’y mauhaw, painumin mo: sapagka’t sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.
21 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.
Iyan ang espiritu ng mabuting Samaritano. Kaya dapat alam natin ‘yan. Yan ang katuparan ng buhay ng Ama sa atin.
WAKAS