DAVAO Mayor Sara Duterte
TROY GOMEZ
WALANG kahiraphirap na lumusot sa committee level ng Committee on National Defense ng makapangyarihang Commission on Appointment ( CA) ang kumpirmasyon ni Mayor Sara Duterte bilang colonel army reservist.
Halos anim na minuto nang isalang sa makapangyarihang CA si Col. Mayor Sara at agad na lumusot sa committee level ng walang tumututol.
Sa pagtatanong ni Senadora Imee Marcos kay Duterte sinabi ng Senadora na alam naman ng nakakakarami na takot sa kanya ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya bilang isang opisyal ng sundalo kanya bang susundin ang utos ng ama bilang commander in chief ng Armed Forces of the Philippines.
Agad na tumugon dito si Col. Sara Duterte na bilang sundalo kanyang susundin ang utos ng Commander in Chief.