Ni: HANNAH JANE SANCHO
PANGUNGUNAHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) katuwang ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) ang pagbibigay ng ayuda sa taumbayan sa loob ng 2 buwan, ayon kay DILG Sec. Eduardo Año sa panayam ng SMNI News.
Ito ay alinsunod sa bagong batas na “Bayanihan to Heal as One Act” na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 23, na kung saan ay tatanggap ang halos 18 milyong low income families ng P5,000-P8,000 monthly allowances.
Dagdag pa rito, susuportahan din umano nito ang Department of Health (DOH) sa pag-identify ng mga lugar na maaaring gamitin para lagyan ng mga pui’s at mga positive patients ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Magiging katuwang din ang DILG sa pagpapanatili ng public order.
“Pagpapanatili ng public order, importante talaga, kailangan ang Armed Forces, ang Philippine National Police, ang LGUS ay very visible para walang magti-take advantage. Ayaw nating may magaganap na loothing o yung tinatawag nating lawlessness, so gagawin natin lahat iyan,” ani Sec. Año.