MJ MONDEJAR
ISINAILALIM na sa total lockdown ang buong lalawigan ng Laguna matapos umakyat sa dalawampu ang kaso ng COVID-19 sa naturang probinsiya.
Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, pinakamarami sa mga may kaso ng COVID-19 ang Santa Rosa na may pitong kaso, Biñan tatlo, tig-dalawa sa Calamba at San Pedro, tig-iisa naman sa Cabuyao, Los Baños, at Lumban.
Sinabi ni Hernandez na mayroong kabuuang dalawampu’t apat na bayan ang Laguna.
Sa ngayon ay nasa animnadaan at walumpu’t pito ang persons under investigation o PUI, habang walong libo walundaan at limampu’t siyam ang persons under monitoring (PUMs).
Marso a-21 nang kumpirmahin ng municipal government ng Los Baños na namatay ang unang kaso ng COVID-19 case sa kanilang lugar.