MELROSE MANUEL
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. bilang chief implementer ng National Policy Against Coronavirus Disease ng bansa.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, Marso a-24 nang lagdaan ng Pangulo ang memorandum sa pagtatalaga kay Galvez.
Bilang COVID-19 chief implementer, trabaho ni Galvez na tiyakin ang striktong pagpapatupad ng mga panuntunan at protocols na inilalabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IAF-EID).
Sinabi naman ni IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na layon ng National Action Plan (NAP) laban sa COVID-19 ay para gumawa ng hakbang upang tuluyang mapigilan ang pagkalat ng virus.