Ni: ADMAR VILANDO
PINAHIHIGPITAN ni PNP Deputy Chief for Operations Lieutenant General Guillermo Eleazar ang latag ng seguridad sa mga checkpoint papasok at palabas ng Metro Manila kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine laban sa COVID-19.
Ayon kay Eleazar, kailangang strikto ang pagmamando sa mga checkpoint alinsunod sa mga alintuntunin ng Inter-agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease.
Sinabi ni Eleazar na hindi maaaring maging maluwag ang mga pulis dahil posibleng sumuway dito ang publiko.
Kasabay nito, nagpasalamat naman si Eleazar sa ating mga kababayan na nakikipagtulungan sa ipinatutupad na hakbang ng pulisya.