TJ BUMANLAG
KABILANG na ngayon ang bandang Greenday sa humahabang listahan ng mga international artist na nag-postpone ng kanilang Asian tour dahil sa banta ng coronavirus disease.
Sa isang facebook post, inanunsyo ng American rock band ang desisyong ipagpaliban muna ang kanilang mga shows sa Asia para sa safety measure.
Giit ng banda, labag sa kanilang kalooban ang naturang desisyon dahil ayaw nilang biguin ang kanilang mga fans ngunit kinakailangan gawin ang hakbang.
Ayon sa “Wake me up when September ends” hitmaker maghintay na lamang ng announcement para sa reschedule ng kanilang tours.
Dahil dito kanselado na ang kauna-unahan sanang concert ng Greenday sa bansa na dapat isasagawa sa Marso a-14 sa Mall of Asia Arena.