ADMAR VILANDO
BINUKSAN ng Office of the Vice President ang isang dormitoryo sa Cubao, Quezon City para sa frontliners ng COVID-19 bilang tugon ni Vice Pres. Robredo sa mga ulat na may ilang healthcare workers na nakaranas ng diskriminasyon mula sa kanilang mga tinitirhang apartment dahil sa pag-responde sa mga kaso ng pandemic virus.
Katuwang dito ang ilang pribadong grupo tulad ng Rotary Club of San Juan Del Monte; Spouses of Rotary Club of San Juan North, at Matrix Appliances Ph.
Umaasa ang bise presidente na makakatulong kahit papano ang kanilang inisyatibo para sa mga health workers.
Para sa mga frontliners na nais mag-avail ng serbisyo, maaaring tumawag sa numerong: 0998-591-7408 o mag-e-mail sa ovpfreedormservice@gmail.com.