Ni: POL MONTEBON
AABOT sa P14M ang donasyong ibinigay ng Globe Telecom para pambili ng personal protective equipment (PPE) ng mga frontliners na lumalaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa Philippine General Hospital (PGH).
Sa pahayag ng Globe, maliban sa cash ay nasa 50 mobile phones na may unlimited call at text sa lahat ng networks na valid sa loob 30 araw ang kanilang dinonate para magamit sa communication needs ng mga healthcare workers at frontliners sa PGH.
Ayon sa kumpanya, 9 sa milyon na dinonate ay nakolekta sa pamamagitan ng reward points ng kanilang mga loyal customers.
Ang donasyon ay itinurn-over sa PGH Medical Foundation Inc, na gagamitin sa pagbili ng surgical masks, face shields, at surgical gowns.
Bukod dito, pawang nagbibigay din ang Globe Telecom at PLDT Inc. ng free wifi sa mga hospital sa gitna ng pagharap ng bansa sa coronavirus pandemic.