HOLLYWOOD producer Harvey Weinstein
MELROSE MANUEL
HINATULAN ng New York Court ang Hollywood producer na si Harvey Weinstein ng dalawampu’t limang taong pagkakakulong.
Inilabas ang hatol sa ikalimang araw ng deliberasyon matapos mapatunayang guilty ang animnapu’t pitong taong gulang sa kasong third-degree at first degree criminal sexual act.
Naibasura naman ang kaso nitong serious count of predatory sexual assault habang nahaharap pa rin ito sa assault ng dalawang babae noong 2013 sa Los Angeles.
Matatandaan na inakusahan si Weinstein ng nasa walumpung babae kabilang na ang mga actress na sina Gwyneth Paltrow, Uma Thurman, Salma Hayek at Dating Aktres na si Hessica Mann.
Mariin namang pinabulaanan ni Weinstein ang naturang mga alegasyon laban sa kaniya.
Samantala itinakda naman ang pormal na pagsentensiya kay Weinstein sa Marso a-11.