TERRIJANE BUMANLAG
NAGPOSITIBO sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mismong health minister ng United Kingdom na si Conservative Member of Parliament Nadine Dorries.
Agad na isinailalim ang opisyal sa isolation at lahat ng precautions matapos ma-diagnosed ng naturang virus.
Sa ngayon ay pansamantala na munang isinara ang parliamentary office ng UK health minister.
Nagpasalamat naman si Dorries sa lahat ng nanalangin para sa kaniyang agarang paggaling.
Sa pinakahuling tala (Marso 10), nasa 383 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa UK kung saan 6 ang nasawi.