CHERRY LIGHT
DUMATING na sa bansa ang higit tatlundaang Pilipino na sakay ng tatlong cruise ships na dumaong sa Rome, Italy kamakailan dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang sa mga dumating na repatriates ang dalawandaan at apatnapu’t walong mga Pilipino mula sa MV Costa Luminosa mula Milan, at ang isandaan at dalawampu’t dalawang Pinoy mula naman sa MV Ggrandiosa at MV Opera.
Sakay ang mga dumating na Pinoy repatriates ng chartered flights na inorganisa ng gobyerno ng Pilipinas.
Tiniyak ng DFA na bago pa man sumakay ng chartered airline ay dumaan sa medical check-up ang lahat ng mga dumating na Pilipino at natukoy na asymptomatic.
Sa kabila nito, sasailalim pa rin ang mga ito sa mandatory 14-day quarantine sa hindi pa natukoy na lokasyon.