POL MONTEBON
UMABOT na sa mahigit animnaraang barangay ang apektado ng African Swine Fever o ASF sa buong bansa.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, nasa kabuuang animnadaan at dalawampu’t limang barangay sa walong rehiyon sa bansa ang apektado ng ASF.
Habang nasa 237,406 na ang pinatay na baboy dahil sa naturang sakit.
Sinabi ni Dar na ang dahilan ng pagkalat ng ASF ay ang mababang pondo ng LGU para sa livestock, hindi sapat na veterinary services, poor monitoring sa backyard at commercial farms, at ang mabagal na pagtugon sa problema.
Tinawag din ni Dar na “over reaction”, “not good”, at “hampers trade” ang hakbang na pagpapatupad ng lockdown sa ilang probinsya laban sa ASF.
Iginiit ng kalihim na sa halip na lockdown ay dapat palakasin ang quarantine checkpoints.