Ni: SAM GUTTIEREZ
NAGPOSITIBO sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang British actor at Avengers cast na si Idris.
Ayon sa kanyang Twitter account, sinabi nito na hindi siya nakaranas ng sintomas ng COVID-19 na kalaunan ay nagpositibo rin ito sa virus.
Dagdag nito na sumailalim siya sa testing matapos madiskubre na ang isa sa kanyang nakasalamuha ay nagpositibo sa nasabing sakit.
Dahil dito ay agad niyang inihiwalay ang sarili sa kanyang pamilya at sa ibang tao para hindi na makahawa pa. Sa ngayon ay nasa quarantine procedures na ang aktor.
Si Idris ay gumanap bilang Norse God Heimdall sa sikat na pelikulang The Avengers franchise.