MJ MONDEJAR
NAKATAKDANG ipadeport ang mga Chinese workers na illegal na pumasok sa bansa at nakinabang sa “pastillas” modus sa mga paliparan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pababalikin sa kanilang pinanggalingan ang mga iligal na Chinese workers na pumasok sa bansa base na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tiniyak ng Malakanyang matapos humarap sa pagdinig sa Senado si Immigration Officer Allison Chiong na nagsiwalat na hindi na dumadaan sa tamang proseso ang mga Chinese na ang mga pangalan ay nakatimbre na sa Bureau of Immigration.
Agad namang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa lahat ng opisyal at empleyado ng BI na pinangalanan ni Chiong na sangkot sa nasabing modus.
Iimbitahan naman ng komite ni Sen. Risa Hontiveros ang ilan sa mga pinangalanang opisyal na sabit sa “pastillas” scheme.