Ni: MELODY NUÑEZ
ISASAILALIM na rin sa extreme Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lungsod ng Imus, Cavite.
Bunsod ito ng tatlong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa lungsod kung kaya mas mahigpit ang gagawing pagbabantay sa mga checkpoints at ang pagpapatupad ng curfew hour.
Maghihigpit na rin sila sa mga lumalabas sa mga tahanan at paggamit ng home quarantine pass.