YNA MORTEL
MAGPATUTUPAD ng lock down ang bansang Italy sa pinakamayaman at pinaka-popular na rehiyon ang Lombardy at sa financial capital na Milan.
Layon nito na maiwasan ang pagkalat pa ng nakamamatay na coronavirus disease o COVID-19.
Sa bagong rules na ipatutupad, hihimukin ang mga tao na huwag ng pumunta sa Lombardy at umalis sa nasabing lugar.
Tinatayang nasa sampung milyon na mga katao ang naninirahan duon.
Kabilang sa ipasasara ang lahat ng mga museum, gyms, cultural centers, ski resorts at mga swimming pools partikular sa mga target areas.
Sa sandaling maaprubahan ang panukala, ang lahat ng leave ng mga healthcare workers ay kanselado, lahat ng mga eskwelahan at universities ay isasara at suspendido rin ang mga weddings, funerals at mga sport events sa Lombardy.
Sa ngayon ay umaabot na sa 5, 883 ang bilang ng coronavirus sa Italy.