Ni: MELROSE MANUEL
INIHAYAG ng aktres na si Iza Calzado sa kanyang social media post na na-ospital ito dahil sa pneumonia. Aniya, hinihintay na rin nito ang resulta sa kanyang COVID-19 TEST.
Challenging aniya para sa kanya ang kanyang kalagayan ngunit hindi nito maikukumpara ang sarili sa mga frontliner na nag-aalaga sa kanya.
Humihingi naman si Iza ng dalangin hindi lamang para sa kanya kundi para sa lahat ng mga frontliner na nagsasakripisyo sa gitna sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).