EYESHA ANDAR
NAGSALITA na sa unang pagkakataon ang aktor na si Matteo Guidicelli ilang araw matapos ang naging secret wedding nito sa ngayo’y asawang si Sarah Geronimo.
Sa kanyang Instagram post ay sinabi nitong halos perfect na ang kanilang wedding event hanggang sa may nangyaring hindi inaasahang pangyayari kung saan nilinaw din ng aktor na hindi niya sinuntok ang body guard ni Sarah.
Magugunita na una nang lumabas sa mga balita na sinuntok nito ang bodyguard ni Sarah dahil sa paniniwalang ito ang nagsabi kay Mommy Devine sa sikretong kasalan nila Sarah at Matteo.
Dagdag pa ng aktor, habang buhay niyang poprotektahan ang kanyang asawa gaya ng pagprotekta ng kanyang tatay sa kanilang pamilya.
Ibinahagi rin ng aktor ang kanyang pasasalamat sa kanyang pamilya dahil sa minamahal at itinuturing ng mga ito na parang sariling anak ang kanyang asawa.
Sa huli ay sinabi ng aktor na umaasa siyang magiging maayos ang lahat pagdating ng panahon kasabay ng pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanilang mag-asawa.