Ni: MELODY NUÑEZ
BUMUO ang Bureau of Immigration (BI) ng medical task group na mangunguna sa laban kontra COVID-19 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
Kabilang sa bubuo ng kanilang medical team ang labing walo nilang immigration officers na pawang registered nurses ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente.
Sinabi ni Morente na layon nilang tumulong sa frontline officers ng ahensya sa mga paliparan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Base kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, hahatiin ang mga miyembro ng medical team sa iba’t ibang shifts sa NAIA.