MARGOT GONZALES
POSIBLENG gumuho at masira ang maraming gusali sa Metro Manila sakaling tumama ang Intensity 8 na lindol.
Ito ang inihayag ni Phivolcs Director at DOST Undersecretary Renato Solidum.
Sinabi ni Solidum na sakaling tumama ang Intensity 8, ilang gusali sa Manila ang maaapektuhan ng liquefaction o paglubog, tsunami at pagbaha.
Payo ni Solidum na huwag munang magtayo ng anumang istraktura sa lugar na mataas ang panganib.
Mahalaga rin aniya ang tulong ng lokal na pamahalaan sakaling magkaroon ng sakuna dahil sila ang mas nakakaalam sa kalagayan ng mga residenteng maaapektuhan.